One Miracle
Wealth, possession, popularity, what more can I ask for? I certainly can say I have all of these. Anything I want, I can easily get in just one click.
One day, I thought of something unusual. I suddenly asked myself, “Why am I not happy? Why am I not contented?” These questions I precisely cant define the answer. I may have everything in this world but why am I like this? I want something more.
I always ponder on to something that may give me the answer while I keep on asking myself these stupid questions of mine. Thoughts came up inside my head then I realized, I never had experienced one true love. If Im not the one leaving, Im the one being left out.
BUT.. BUT… Fortunately, He came.
I know I’m happy because I know he’s there. Nevertheless, I am certain, I was never happy like this even before, til he came and cracked up my world. He’s the one who thought me of something most valuable life could’ve ever offer - HAPPINESS. Now I know I’m happy. I wake up in the morning with a smile on my face which no one else gave me, but only him. He had taken me back and made my miserable life a meaningful one. He gave me back my importance and confidence. He made me realized how lucky I really am. He thought me of something I can’t trade even to the biggest diamond on earth — ACCEPTANCE AND FORGIVENESS. He thought me and showed me how beautiful life is. I asked God for one miracle, and He gave him to me.
I may say that, he’s not the perfect person nor a perfect lover a girl could ever have, but I know for me, He’s the best and my only one.
I LOVE YOU MCDO!♥ :)
Today was a Fairytale (06-03-10)
Today was a fairytale. He was the prince and I used to be a damsel in distress. he took me by the hand and he picked me up at 11:30 am.
Today was a fairytale, I wore a dress, he wore a yellow t-shirt. He saw my dress was very short, for that, he asked me to change and wear pants and shirt rather. Then, he told me I was pretty when I think that I look like a mess.
Today was a fairytale. He got a smile that takes me to another planet. Every move he made and everything he said is right. All that I can say is that, it is getting so much clearer. Nothing made sense until I saw his face.
Time slows down, whenever he’s around.
I can feel this magic in the air, it must have been the way he kissed me. I fell inlove when I saw him standing there. It must have been the way that I can feel my heart beating in my chest and I know that he can feel it.
Today was a Fairytale. :)
LIFE’S A BITCH (ang talambuhay ni Katkat Punongbayan)
Ako si Katkat. Kathryn Crisostomo-Punongbayan ang totoo kong pangalan. Tubong Bagna, Malolos, Bulacan pero ngayo’y nakatira na sa mataeng subdivision ng William Ville Panasahan. 22 taong gulang, ipinanganak noong Oktubre 13, 1987. Anak ni Dionisio Dela Cruz Punongbayan, isang Sous Chef sa isa sa malalaking barko ng Holland America Line, at ni Cristina Crisostomo-Punongbayan, isang mabuting maybahay at ina ng tahanan.
Nais ko lamang ibahagi ang ilan sa mga kagila-gilalas, kahindik-hindik at kasumpa-sumpang kwento ng aking buhay.
Bata pa lamang ako, may pagsubok na agad na dumating sa akin, naranasan nyo na bang magdusa sa bingit ng kamatayan? Isang taong gulang pa lamang ako ng maranasan ko ito. Sakitin kasi ako nung bata pa lamang ako. Kombulsyon, muntik nang matepok, salamat na lamang sa sawang nahuli nila sa tindahan namin noon sa Taguig, salamat sa apdo nya na nagbigay daw sa akin ng pangalawang buhay, pero hanggang ngayon, isa pa rin malaking palaisipan ito sa sarili ko, PAANO AKO NAPAGALING NG ISANG APDO NG SAWA?
Bakit nga ba nabuhay pa ako ulit? Bakit nga ba binigyan pa ako ng pangalawang pagkakaton ni bro? Dahil ba napakabata ko pa para mamatay o sadyang may misyon pa ako dito sa mundong ibabaw?
Lumaki akong may takot sa Diyos at sa aking mga magulang, pero sadyang may mga tukso sa buhay, sa paligid natin na hindi natin basta basta maiiwasan.
Nag-aral ako ng Elementarya at Hayskul sa Holy Spirit Academy of Malolos. Grade 6 ako ng magsimula akong maging pasaway. Nasundan nang 1st year hanggang 2nd year hayskul na mas maton pa akong kumilos sa mga kaeskwela kong lalaki. (inshort, naging tomboy tomboyan ako). Impluwensya ng barkada, ng paligid, dala na rin ng sinasabi nilang Puberty Stage. Naranasan kong magsuot ng malalaking Tshirt, Baggy Pants, Chuck Taylor at gumamit ng bag na “Breakdown” (haha). Nagsimula na rin akong magkaroon ng hilig sa mga maiingay na musika, Korn, Limp Bizkit, Slipknot, na para sa aming magkakaibigan ay napaka-“cool” ng mga panahong iyon. 3rd year hayskul ako ng nagsimula akong magdalaga, natutong gumamit ng mga pambabaeng gamit. 4th year hayskul naman ng matuto akong magpahalaga ng ibig sabihin ng tunay na pagkakaibigan.
Pagkaraan ng pagtatapos ko ng Hayskul ay nagaral naman ako ng kolehiyo sa Bulacan State University sa kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management. Smooth sailing ang pag-aaral ko noon, nang matungtong ako sa 3rd year, nahinto ako ng pag-aaral sa kadahilanang nakalulon ako ng pakwan! July 5, 2007 nang isilang ko ang aking munting anghel na si Lourd Damien Punongbayan. Hindi ko naman pwedeng sabihing isa itong masamang panaginip dahil para sa akin, isang biyaya ang magkaroon ng isang munting anghel. Sabihin na lamang nating isa ito sa mga pagsubok na ibingay sa akin ni bro para maging matatag at matutong lumaban sa buhay.
Kung tatanungin nyo, napakahina at napakaiyakin ko noon. Konting kibot, kapag hindi ko na alam ang gagawin ko, iyak na kagad ang kahahantungan ng lahat, masahol pa nyan na minsan nakukuha ko nang saktan ang sarili ko na minsang naging dahilan muli ng aking muntik na namang kamatayan. Napakaiyakin ngunit matapang din, sanay na sanay ako sa pakikipagaway nung mga panahong nagaaral pa lamang ako ng kolehiyo. Malakwatsa, rebelde, natutong uminom, mag cutting classes, gumala, in short P-A-S-A-W-A-Y!
Sa sobrang pagmamahal sa akin ng aking mga magulang, minsan na akong nadapa ngunit pinilit pa rin nilang tulungan akong bumangon muli, nag-aral ako muli at nakapagtapos ng aking kurso. Dumating ang araw na minsang naging proud sa akin ang mga magulang ko, yan ay noong umakyat ako sa stage at ipagmayabang sa buong mundo na natapos ko ang pag-aaral ko na may dignidad kaagapay na rin ng pagmamahal ng mga magulang at ng pamilya ko.
Makaraan ang ilang buwan, lumipad ako papuntang Qatar upang magtrabaho. Naging Front Office Executive ako sa isang Hotel sa Doha makaraan ang 5 buwan ay naging Executive Project Secretary naman ng isang Construction Company din sa Doha, Qatar. Pagkaraan ng 6 na buwan kong pamamalagi sa Qatar, umuwi na lamang ako upang ayusin ang sitwasyon ng aking pamilya. Doon na nagkasunod sunod ang sinasabing mga hindi kaaya-ayang pangyayari sa aking buhay.
Minsan kong nasabi sa sarili kong “AYOKO NA! SAWANG-SAWA NA AKO! BAKIT SA DINAMI-DAMI NG TAO DITO SA MUNDO, BAKIT SA AKIN PA NANGYARI TO?” Salamat sa pamilya ko, tinutulungan nila akong bumangon muli at ipagpatuloy ang buhay ko. Salamat sa anak ko na kahit ganito kakulit, isang ngiti pa lamang niya, pawi na agad ang pagod, problema at kabadtripan sa buhay ko. Salamat sa nag-iisang lalaking minamahal ko, simula nong dumating ka sa buhay ko, napagtanto kong hindi pa pala ako patapon, tinuruan mo akong maging matapang at tumanggap ng katotohanan ng reyalidad. Tinuruan mo akong magkaroon ng malawak na pagiisip at magandang pananaw sa buhay, na hindi masamang mangarap at hindi masamang mamuhay ng masaya. Ipinadama mo rin sa akin na kahit sobrang busy mo sa araw-araw mo, alam kong mahal mo talaga ako.
Sa pagbabalik tanaw ko sa nakaraan ng buhay ko, naalala kong marami na pala akong napagdaanan, nalutas na problema nang hindi ko namamalayang nakayanan ko pala, gano man ito kabigat at kagrabe, nalaman kong nandyan ang pamilya ko, nadapa’t nalugmok man ako sa putikan, tulong tulong nila akong binabangon muli para mamuhay ng normal. Ang aking anak na nagsisilbing inspirasyon na kahit gaano kahirap ang buhay, kailangan ko itong sabayanm dahil sa isang munting anghel na umaasa sa akin para siya ay mabuhay. At sa nagiisang lalaki sa buhay ko (alam mo kung sino ka) Salamat din sayo, sa pagmamahal mo at pagpapahalaga mo sa akin, dahil sayo natuto akong mangarap, na naging inspirayon ko din para humanap ng paraan upang balang araw ang mga ito ay unti-unti ko ding matupad.
Tuso ang buhay. Kung hindi mo ito sasakyan, talo ka. LIFE’S A BITCH ika nga, so you must know how to F*CK it! Kapag nagpadala ka sa takot, unti-unti ka nitong lalamunin ng buhay!

Dashboard Confessional
Its been 6 years and counting since I knew Dashboard Confessional all along. Kung hindi pa binanggit sa akin ni Redmond at Argel hindi ko sila makikilala. I started to listen to them since my college years. Nong madalas akong napapatambay sa tampoy kasama ng mga kaibigan kong “Skaters” (haha). Hands Down, Screaming Infidelities, Rapid Hopeloss, Ghost of A Good Thing, mga gasgas na kanta nila na madalas kong pakinggan habang nanonood ako ng mga skater boys na nagbabali ng buto sa paglalaro ng skateboard sa tinatawag nilang Skatepark Tampoy University. Dun din ako natutong mag emo-emohan, umiyak, magemote at maglungkot-lungkutan habang nakikinig ako ng mga kanta nila. THERE’S NO SUCH THING AS EMO!!! nadadala lang ako sa ganda ng kanta nila at ng malamig na himig ng boses ni Chris Caraba! Hanggang ngayon umaalingawngaw pa rin sa isipan ko kung paano nila nakuha at nabihag ang kahiligan ko sa musika! NO MUSIC, NO LIFE ika nga. 
Banal na Aso, Santong Kabayo
Kaharap ko sa dyip ang isang ale, nagrorosaryo, mata nya’y nakapikit. Pumara sa may kumbento, “Sa babaan lang po”, sabi ng tsuper kasi may nanghuhuli. Mura pa rin ng mura ang ale!
BANAL NA ASO!
SANTONG KABAYO!
NATATAWA AKO! HIHIHIHI!!
SAYO!!
Nangangaral sa kalye ang isang lalaki, Hiningan ng pera ng batang pulubi. Pasensya na para daw sa templo. “Pangkain lang po”, sabi ng paslit. “Talagang di ba pupwede?” Lumipat ng pwesto ang lalaki!
ANUMAN ANG IYONG GINAGAWA SA IYONG KAPATID,
AY SIYA RING GINAGWA MO SA AKIN!

“MINSAN LANG KAMI BATA” - Yan ang madalas naming idahilan sa mga magulang namin kapag pinagbabawalan kaming mangapitbahay, gumimik at magsaya sa labas. Minsan lang kami bata, minsan lang kami nagkasama-sama ng ganito kasaya. Bakit ba kailangan pang may umalis? may maiiwan at may mang-iiwan? Kung may kakayahan lamang akong pigilan at pahintuin ang oras, eh di sana’y magkakasama tayo ngayon. Sama-sama sa kalokohan, sama-sama sa kasiyahan. Hanggang sa muling pagkikita mga mahal kong pinsan!
“AM I DESERVING?” - Yan madalas kong itanong sa sarili ko simula nung dumating sya sa buhay ko.
“ALANGAN BA KO?”, “BAHALA NA, MAHAL KO EH!”
Takot.. Kaba.. Pag-aalala. Sabay-sabay ko silang nararamdaman. Habang nararamdaman ko, sinasabayan pa ng pangungulila sa kanya. Hindi ko naman inaasahang ganito, ganito ka-grabe yung mararamdaman ko.
“YOU APPEAR JUST LIKE A DREAM TO ME, JUST LIKE KALEIDOSCOPE COLORS THAT COVER ME” - Isang linyang hango sa kantang madalas kong pakinggan pag nangungulila ako sa kanya na sakto namang bagay na bagay. :)
Naisip ko rin na bakit ganon? parang sobra-sobra naman ata sya para sa kin? Sino lang ba ako para magustuhan at mahalin nya? Parang istorya ni Rose at ni Jack, ni Romeo at ni Juliet, ni Cholo at ni Jodi, Langit sya, Lupa ako. Pero para sa akin, hindi naman posisyon o karir nya sa buhay ang dahilan kung bakit minahal ko sya. Para sa akin ang minahal ko talaga ay yung mismong pagkatao nya, ugali nya at kung pano ko sya tignan, sa sandaling naliligaw ako, siya yung nagiging gabay ko sa reyalidad. Minahal ko siya ng kung sino siya, kagaya na lamang din ng pagtanggap niya kung sino ako at kung anong meron sa buhay ko. Siya na kung paano ako tinuruang maging totoo sa buhay ko. Siya yung inspirasyon ko. Yung pinakamagandang musika na nagpapataimtim ng buhay ko. Ang taong nagturo sa akin kung paano maging matapang, paano magpatawad at paano tumanggap ng katotohanan. Ang taong nagturo sa kin kung paano magmahal ng totoo at umintindi ng walang pag-aalinlangan. Ang taong nagturo sa akin at nagparamdam kung gaano kasarap mabuhay at magmahal ng tunay. :)
buhay pa pala ako?
pagkaraan ng masalimuot at masaklap na nakaraan, masasabi kong buhay pa pala ako?

